Friday, January 10, 2025

MCM Play is more than just a furniture and art exhibit

MCM Play is more than just a furniture and art exhibit

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Sabi nga nila ang bawat bagay ay may halaga at kasaysayan nakapaloob dito lalo na kung ang bagay na ito ay bibihira mo lamang makikita. Kaya naman di na ako nakapagtataka pa ng husto dahil noong pumunta ako sa lugar na ito namangha ako ng sobra dahil parang binalik nila ako sa lugar na mayabong at kitang-kita ko ang ganda ng mga gamit ng panahon na iyon. Hindi na nakagtataka pa kung bakit unti-unti nakikilala ang lugar na ito sa lahat di lamang sa mga mahihilig sa mga furniture pati na rin sa mga kabataan ngayon dahil ang bawat sulok sa lugar na ito ay talaga naman instagramble. Ika nga nila pagpumunta ka dito ayt sulit na sulit.

Anu nga ba ang lugar na ito? Walang iba kundi ang MCM Play na itinatag ng mag-asawang Ken at Isa Mishuku kung saan nagsimula lamang ito dahil mahilig sila sa mga kakaiba at makalumang upuan. Dahil na rin sa hilig nila sa pagkolekta ng mga ito hindi nila namalayan na unti-unti na palang dumadami ang kanilang mga koleksyon na di na magkasya sa kanilang garahe kaya naman naisipan nilang ibenta ang ilan sa mga ito sa facebook marketplace / community group at laging gulat nila na meron palang katulad nila ganun din ang kanilang mga koleksyon.

Dahil sa dami na rin ng kanilang mga koleksyon ay kumuha na din sila ng warehouse kung saan andoon na lahat ng kanilang kailan kumbaga di na pabalik-balik pa mula bahay tapos pumunta ng warehouse tapos ishoot pa ung mga kinuha sa warehouse. Kaya naisipan ni Isa na kumuha na lamang ng isang warehouse kung saan all in na ang lahat mula sa studio/office, warehouse, workshop area at ang exhibit area. Ang nakakatuwa kina Ken at Isa Mishuku at binibigyan nila ng pagkakataon ang ilan sa mga lokal artist natin na ipamalas sa iba ang kanilang mga likha kaya maliban sa mga furniture ay meron din mga paintings na makikita dito.

 

Kaya naman hindi na nagkapagtataka pa kung bakit unti-unti nakikilala na ang MCM Play dahil na rin ang ambiance ng lugar bago ko din makalimutan meron din cafe dito kung saan pwede kayo magrelaks pagkatapos ninyo magshoot o hindi naman kaya ay bumili ng ilan sa mga produkto ng MCM Play.

Narito ang ilan sa mga kuhang larawan sa loob ng MCM Play.

Bago ko makalimutan as of October 11, 2021, MidCenturyManila is celebrating the 10 DAYS OF MODERNISM. They will be posting around 200 exciting pieces of furniture spanning the different eras of modernism from Bauhaus to Mid Century Modern, to Postmodern & Memphis Era Design! Along in the mix are iconic & exotic pieces from a wide range of chairs, lamps, credenzas, tables, and accessories, each priced so well there is something for everyone.

Plus there will be Giveaways too in between! So, for those looking for a range of furnishings, keep watch, it will just keep getting more exciting!