Monday, November 18, 2024

Movie Review : Through Night and Day

Movie Review : Through Night and Day

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Muli naman nabuhay ang Pinoy films sa Netflix sapagkat nitong araw lamang ay sunod-sunod na nagiging number 1 ang Pinoy Films sa Top Most View sa Netflix at isa nga sa pibakabago dito ay ang movie nila Paolo Contis at Alessandra De Rossi na may pamagat na Through Night and Day.

Hindi lamang sa Netflix ito naging thread sapagkat naging usap-usapan din naman Ito sa ibat-ibang social media platforms lalong-lalo na sa twitter kung saan ilang araw ito napasama sa threading topic sa Philippines. Ang nakakatuwa pa dito ay hindi nila maalala kung pamagat ng pelikula na ito sapagkat may lumalabas na katulad na lamang ng “dalawang kalbo na umiiyak” , “umiiyak na kalbo sa upuan”, “2bald movie”, ” dalawang kalbong nakakaiyak”, at iba pa.

At dahil nga doon madaming nahook sa “Through Night and Day” at Isa na nga dito ang aking kaibigan na blogista na si Habib kung saan gumawa sya ng isang nakakatuwang movie review dito.

Narito ang kanyang naging pananaw sa pelikulang “Through Night and Day”.

Movie Review: Dalawang kalbong nakakaiyak

Warning: Spoiler Alert

Yes, pinanood ko ang palabas ng dalawang kalbo na nakakaiyak. Natutuwa ako kapag may pelikulang Pilipino na napakaganda ng storya at magaling ang pagkaarte ng mga bidang artista. Isa na rito itong dalawang kalbo.

Isa sa rason ko kung bakit pinanood ang palabas ng dalawang kalbong nakakaiyak ay dahil sa Iceland. Gusto ko ang Iceland, nagustohan ko ito noong makita sa movie ni Papa P at Yummy Santos na sobrang ikinatuwa rin ng balunbalunan ko ang palabas, muntik na ako gumawa ng halo-halo.

Kaya nang makita ko rin na sa Iceland din ang setting ng palabas ng dalawang kalbong nakakaiyak, nagpakalbo na rin ako, charowt! Trim lang para ‘di makati, wait! What?!

Gusto ko ‘yong mga ganitong movie, parang After Sunset/Sunrise/Midnight movies, dalawa lang sila, nag-uusap, naglalakad, at kung ano-ano pa. Maganda ka!

Isa sa pinakita sa atin ng palabas na ito ay kung paano nakakairita sa mga lalaki ang puro selfie ginawa ng mga partner nila, halos ‘di na maenjoy ang view kasi sa camera lagi nakatuon ang pansin nito. Mas mag eennjoy ata sila na tingnan nalang ang magagandang view sa pictures kaysa totoong view nito.

Sa totoo lang, hindi nabanggit sa palabas na ito ang tunay na dahilan ng brain tumor ng babaeng kalbo, kung saan niya ito nakuha.

Sa kaseselfie niya!

#ThroughNightAndDay #DalawangKalbongNakakaiyak