Saturday, January 11, 2025

On Photos : Shangri-La Plaza Christmas Tree Lighting 2021

On Photos : Shangri-La Plaza Christmas Tree Lighting 2021

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Sabi nga nila mararamdaman mo na ang pasko pag-unti unti ng naglalabasan ang mga palamuti sa mga malls sa ating bansa. Isa sa mga paborito kong mall sa Metro Manila ang Shangri-la Plaza dahil sa ganda ng ambiance at architecture nito. Kaya naman laking tuwa ko na pagkatapos ng isang taon mahigit ay muli ko nanaman siyang masisilayan at hindi laman yun sapagkat noong pupunta ako dito ay opisyal na nilang binuksan ang kanilang maganda at mataas na Christmas at alam ninyo pa ba na ang Shangri-La Plaza ay 30th yrs na sa ating bansa ang tagal na rin hindi ba?!

Kaya naman sa taong 2021 mas simple pero klasik ang datingan ng pasko sa Shangri-La Plaza para sa akin dahil ang ganda ng Christmas Tree Lighting Show na binigay nila sa mga shoppers ung binuksan nila ito noong November 20, 2021 sa ganap na 6.30 ng gabi.

Dahil ang mga nagperform lang naman ng gabi na iyon ay walang iba kundi ang The Philippine Madrigal Singer with Choirmaster Mark Anthony Carpio, -Jo Bry Cimafranca, Groove Manila Dance Company at Shangri-La Plaza Community of Musician. Dito pa lamang sa mga performance na ito ay aliw na aliw ang mga manood samahan mo pa ng masasayang awiting pampasko katulad na lamang ng Carol of the bells, We need a little Christmas, Paskong Anong Saya at iba pa.

Narito ang ilan mga kuhang larawan sa naganap na Shangri-La Plaza Christmas Tree Lighting 2021.

Jo Bry Cimafranca playing Tico-tico
Jo Bry Cimafranca with Groove Manila Dance Company
Shangri-La Plaza Executive Vice President for Retail and Commercial Ms. Joy Polloso.

The Philippine Madrigal Singer

Ang saya talaga at nakakamiss din ang mga paganitong ganap ng mga malls kasi sa ganitong paraan man lang mas maramdaman ng mga shoppers ang saya ng Pasko sa kabila ng mga maraming ganap sa ating bansa syempre paalala ko lang din sumunod tayo sa health protocol hanggat maari para din sa ating kaligtasan.

Huwag din palagpasin ang ilan sa paganap ng Shangri-La Plaza ang kanilang sariling musican na Community of Musician na kakanta sa darating na November 21, 27, and 28 at ang Mandaluyong Women’s Chorus sa December 4, at the Servus Dei Vocal Ensemble sa December 18.