Sunday, November 24, 2024

Paano nga ba mag-ipon sa panahon ng pandemya?

Paano nga ba mag-ipon sa panahon ng pandemya?

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Paano nga ba mag-ipon sa panahon ng pandemya? Isa yan sa madaming katanungan sa atin noong nagsimula ang quarantine season sa ating bansa dahil ang daming mga trabaho at negosyo ang naapektuhan nito. Mula sa mga kilalang mga negosyo hanggang sa ordinaryong indibidual. Sapagkat alam naman natin na hindi basta-basta ang pagkakaroon ng pera sa panahon na iyon dahil ilan sa atin ay kung walang trabaho ay walang sahod.

Pero madami rin naman sa atin ang naging entrepreneur noong pumasok ang pandemic season, aminin mo madami ang naging baker sa atin o hindi naman kaya ay madami natututo sa atin na magluto at ibenta ang kanilang mga putahe sa social media o hindi naman kaya naging plantito at plantita, hindi ba?

Isa yun sa mga paraan na natutuwa ako sapagkat iba din naman talaga ang isip ng Pinoy pagdating sa mga ganitong mga bagay gawa at gagawan talaga tayo ng paraan upang magkaroon ng pera at maitawid ang mga bagay-bagay na ito.

Bakit ako natuwa ng husto sapagkat nakita ko sa pandemic season na ito na kahit paano ay nabibigyan halaga natin ang ating hawak na pera at kung gaano kaimportante ito, oo alam natin hindi nabibili ng pera ang ating kaligayahan pero ang pera ang nagbibigay sa atin ng maganda kinabukasan hindi lamang para sa ating sarili kundi para na rin ito sa ating magiging pamilya sa hinaharap.

Meron akong kwento sa inyo, isa ito sa mga turo ng aking Ima (lola) kung paano makaipon kahit sa maliit na halaga lamang.

Noong nabubuhay pa ang Ima (Lola) ko ung nabubuhay pa, dapat magtabi ka kahit centimo lang yan sapagkat yang centimo na yan ay mahalaga kahit sabihin natin na maliit na bagay lamang yan pero pag pinagsama-sama mo malaki halaga sya. Kaya naman naisapuso ko ang bagay na iyon sapagkat totoo naman din sya at alam naman natin lahat na minsan binabalewala ito ng lahat pero para sa akin di naman sapagkat pero mo naman ito ipapalit sa banko at ideposit doon. Sa paraan na iyon pa lang ay makakadagdag ipon ka na para sa iyong kinabukasan. Kaya pagdating ng araw ika nga nila ay may mahuhugot ka ng madalian.

Isa pang paalala nya magtabi lagi at ihiwalay ang mga pera mo upang sa ganun alam mo kung anu ung dapat mong gastusin at dapat itabi which is tama naman Lalo na sa panahon ngayun na di basta-basta ang pagkakaroon ng pera.

Totoo naman hindi ba? Kailan talaga meron kang naitago pagdating sa mga ganitong bagay kaya naman noong naimbitahan tayo sa isang webinar tuwang-tuwa ako kasi usapang pera at ipon na alam ko mas lalong yayabong ang aking kaalaman sa mga ganitong mga bagay.

Ang webinar ay Usapang Ipon for the New Normal ng Izza Glino ng SavingsPinay.ph at Cebuana Lhuiller.

Nakakatuwa ng husto ung mga tips na binibigay ni Izza sa aming mga dumalo kasi ilan sa mga tips na binigay nya ay ginagawa ko na simula pa noong bata pa ako kasi sabi sa isang libro na nabasa ko dati ung elementary pa lang ako, kailan isulat mo hindi lamang ung mga pumapasok sa iyo na pera pati na rin ung mga lumabas na pera sa iyo nang sa ganun alam mo kung magkano ang naging interest mo sa pera mo. Kasi hindi ba minsan ayaw nating nakikita ung mga lumabas na pera kasi pakiramdam natin parang mas lalong nauubos ang pera pero kung tutuusin kung ginagawa natin ang bagay na ito ay doon pa lang alam mo na kung anu ung tatahakin mo pagdating ng araw. Lalo na kung meron kang pinag-iipunan na bagay na gusto mong bilhin.

Ito merona kong mini chart nakalagay dito ung mga gastos at pagpasok ng pera sa bawat araw.

Huwag kayong magtaka kung bakit mababa ung expense na nakalagay dito sapagkat personal expense po ito nakahiwalay ang sa ibang bayarin. Dapat ganun para alam mo o mas mainam na sabihin na namomonitor mo bawat galaw ng pera na meron ka.

Isa din sa mga natutunan ko sa webinar ni Izza Glino ng SavingsPinay.ph at Cebuana Lhuiller ay paano mo mapapaincrease o mapapataas pa ung perang may pumapasok sa iyo kahit sabihin natin na below mininum lamang ang kinikita mo, simple lang ang naging sagot nila dito maghanap ka ng ibang pagkakakitaan, kung nagtratrabaho ka sa regular katulad ng 8 AM hanggang 4PM bakit hindi mo subukan ang mga online jobs pagdating mo sa bahay lalo na ngayon na internet source na ang bawat bagay isa sa mga pwede mong puntahan ung fiberr kasi hindi lamang full time ang meron sa kanila madami din mga part time job na inooffer nila. Kahit sa maliit na halaga basta may pumapasok.

Syempre pag may pumasok na salapi dahil itabi mo na ito para hindi mo na magalaw at magastos pa, kaya dyan papasok ang Cebuana Lhuiller Micro Savings. Narinig mo na ba ang Cebuana Lhuiller Micro Savings? Kung hindi pa naku good news sapagkat ang Cebuana Lhuiller Micro Savings ay isang rural bank kung saan pwede ka mag deposit ng naipon mo na pera sa kanila sa maliit na halaga pa lamang, oo sapagkat sa halagang 50 pesos lang pasok na yun para makapagbukas ka at mababa lang din ang maintaining balance nila basta siguraduhin mo lamang na nalalagyan mo ito buwan-buwan kahit 20 pesos.

Hindi na kailangan pa ng madaming requirements kumpara sa mga commercial bank at ang maganda pa dito ay madami silang branches na pwede ka maghulog at mag withdraw. Ang laking tulong nito hindi ba? Tapos meron din syempreng interest di malaki pero nakapag-ipon ka naman at safe na safe ang pera mo.

Anu pa ang hinihintay mo punta ka na sa malapit na Cebuana Lhuiller branch na meron sa iyo at mag inquiry ka na sa kanilang Cebuana Lhuiller Micro Savings at simulan na natin ang pag-iipon.