Tuesday, January 7, 2025

POV: KontrAdiksyon

POV: KontrAdiksyon

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Ang kwento ito ang tumatakbo sa isang krimen na patungkol sa droga, isang kwento na napapanahon lalo na sa administration na Ito kung ang pelikulang ito ba ay isang pro o anti.

Marahil marami ang magsasabi na ginawa ang pelikulang ito para malihis ng kaunti ang tunay na nagaganap sa ating lipunan ngaun at para masabi na ito o ganito dapat o ito ang tunay na naganap talaga patungkol sa tokhang o anti drug campaign ng pamahalaan ni Pangulong Duterte.

Ano nga ba ang naging reaksyon ko matapos ko itong mapanood nilang isang ordinaryong mamamayan ng Pilipinas madaming tumatakbo sa akin habang pinapanood ko ang KontrAdiksyon dahil kung tutuusin ang parang halos lahat ng makikita mo sa palabas na ito ay halaw sa tunay na pangyayari sa buhay paliban na lamang sa iilang parte ng palabas.

Kaya naman mas naging focus na lamang ako sa mga karakter na ginagampanan katulad ni Jake Cuenca bilang isa sa mga kumakalaban sa pamahalaan dahil sa EJK at bilang naging agent ng PDEA. Dito ko napatunayan na isang mahusay na aktor talaga itong si Jake Cuenca dahil hindi lamang sa kanyang emosyon na pinapakita sa palabas kundi na rin sa galing ng pagpalit ng emosyon sa mata, mula sa nararamdaman mo na naging masaya sya hanggang sa nagalit at paghihiganti. Siguro marahil ay dito mo makikita na lahat ng ito di lamang dahil sa gusto nya ang kanyang ginawa kundi mahal nya ang trabaho niya. Dahil kung tutuusin ay hindi basta basta ang ganung klaseng emosyon na ipapakita  kumpara sa kanyang mga huling mga pelikulang nilabas.

Isa din sa nagbigay buhay sa pelikulang KontrAdiksyon ay ang husay ng pangganap ni Paolo Paraiso, di ko akalain na mahusay na siyang umarte kung dati rati ay pinapanood ko lamang sya ng wala lang parang dumaan lang pero ngaun iba na sya ang galing galing na nya lalo na kung saan bawat eksena na may gagawin sya sa nagiging biktima nya kakaiba. Isa sa mga masasabi kong naging highlight ng eksena ay kung saan magkaroon ng eksena sa laboratory ng droga.

Nagustuhan ko din ang style of cinematography ng KontrAdiksyon malinis at maganda ang mga bawat angulo kung baga walang tapon. Lalo na sa isang eksena kung saan unang nagkita sina Jake Cuenca at Paolo Paraiso..

Sa ngayon yan muna ang aking POV para sa pelikulang KontrAdiksyon.