Sunday, December 22, 2024

Sine Sindak is now back at SM Cinema

Sine Sindak is now back at SM Cinema

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Panahon na naman ng katatakutan, sino nga ba ang hindi excited pagsasabit na ang buwan ng Nobyembre lalo na ngayon na mas magandahan na ang mga pakulo ng bawat establismento dahil hindi na basta naniniwala ang mga bagong henerasyon ngayon sa mga pamahiin, mga sabi-sabi o mga multo. Marahil dahil na rin sa makabagong panahon o mas tamang sabihin na modernong panahon dahil gusto ng mga kabataan ngayon na nakikita nila mismo sa kanilang harapan yung kababalaghan na nagaganap.

Naaalala ko noong bata pa ako sabik na sabik ako sa mga ganitong panahon dahil mas magiging exciting dahil una aabangan mo ang mga nakakakot na palabas sa telebisyon at isa na dito ang sikat na sikat na Magandang Gabi Bayan ni Kabayan Noli De Castro kung saan tinatambok niya ang mga iba’t-ibang mga kwentong katatakutan tuwing sasabit o nalalapit na ang araw ng undas. Dahil sa palabas ni Kabayan mas nagkakaroon kami ng mga kaibigan o mga pinsan ko manood ng husto sa kanya pagkatapos ay magkakaroon ng takutan, syempre di maiiwasan ang mga pikunan lalo’t pa mga bata pa kami.

Kung minsan naman kaming magkakaibigan ay pumupunta sa sinehan para mas maramdaman natin ung ganito panahon naalala ko pa noon na pagkauwi namin hindi na kami nagpapatay ng ilaw sa silid dahil feeling namin baka biglang umatake ung multo o may mangyari kakaiba sa silid.

Kaya naman laking tuwa sapagkat meron palang horror film festival ang SM Cinema at ikalawang taon na nila ito hindi na ako magtataka pa kung hahaba ang festival nito katulad ng ibang movie festival sapagkat alam naman nating lahat na ang Pinoy ay mahilig talaga sa kababalaghan kaya na di ba dati nauso ang mga horror movie noon na sunod-sunod na pinapalabas.

Bilang isang tagahanga ng ganitong klaseng palabas malaking tulong ito lalo na kung ung mga kaibigan mo ay game sa ganito at isa pa din sa maganda sa horror film festival na Sine Sindak ang gaganda ng mga lineup, hindi lamang Asian horror ung palabas halo-halo kaya. Higit sa lahat may promo sila na kung iaavail mo ito mas makakatipid ka kumpara sa single ticket na bibilhin mo.

Kasi ung isang ticket is Php 120 tapos ung unlimited all-day pass Php 199, oh di ba saan ka ba? Kung baga halloween marathon na ito kasama ng mga tropa o pamilya.

Kaya anu pa hinihintay mo punta na sa pinakamalapit na SM Cinema sa inyong lugar at manood na ng Sine Sindak 2 sapagkat limited runs lang ito mula October 23 hanggang October 29 lang.