Nakakataba ng puso at kaluluwa na madami ng corporate ang nagbibigay ng malaking suporta sa aming mga PWD marahil siguro nakikita na nila na madami kayang gawin ang isang PWD. Hindi naman porket meron ka ng kapansanan ay wala ng mangyayari sa buhay mo, sabi nga nila kung anu ang iyong kahinaan gamitin mo ito bilang iyong kalakasan dahil magagamit mo ito sa takdang panahon.
Katulad na lamang ngayon na alam ninyo ba na meron olympics para sa mga PWD at ito ay tinatawag na Paralympic. Ang meon tayong dalawang magaling na manlalaro na lalahok para sa ASEAN Para Games, ito’y walang iba kundi sina Paralympic Power Lifter Adeline Dumapong-Ancheta at Para Athletics Wheelchair Racer Jerrold Mangliwan.
Nakakatuwa din sapagkat ang CITI ay isa sa may malaking suporta na ibibigay sa kanilang dalawa para mas lalo silang maging mahusay na manlalaro at hindi lamang yun sapagkat ang CITI ay gumagawa din ng paraan upang mas makilala din sila ng husto ng madla sa pamamagitan ng pagkakaroon ng video sa sa kanilang social media accounts at syempre higit sa lahat ang billboards na makikita sa EDSA.
Narito ang buong kaganapan sa press conference ng CITI kasama ang bumubuo ng Para Olympics sa Pilipinas