Marami na ang nagbago simula ng maging malaya tayo sa pananakop ng mga dayuhan ngunit ang tunay na tanung sa ating lahat ay tunay ba talaga tayong malaya magkatapos ng mahabang pananakop na ito mula sa bansang Espanya, Britanya, Amerika at Hapon?
Kung anu ang tatanungin maaring oo at maaring hindi sapagkat madami pa rin sa atin ang hindi lubos makaunawa sa tunay na kalagayan ng ating bansa. Kung tutuusin mayamang bansa ang Pilipinas, sinong bansa ang magkakainteres sa mahinang bansa para sakupin hindi ba? Bago pa man dumating ang mga Espanyol ay may mga malawak na kaharian na tayo mula sa Sulu at masasabi nating makapangyarihan ito sapagkat naging kaibigan ito ng malaking bansa katulad ng Tsina.
Kaya paano masasabi mahirap tayo, marahil di naging tama ang pamumuno ng Ilan sa mga nakaupo o hindi kaya ay may personal na dahilan sila para umupo, ika nga nila walang pagmamahal sa bayan.
Sabi nga ng isang linya sa musikal ng Tanghalang Pilipino’ Mabining Mandirigma “Mahalin mo ang Pilipinas higit sa iyong sarili.”
Kaya Naman nitong kakatapos lamang na Cinemalaya ay nagkaroon ako ng pagkakataon para mapanood ang isang maganda at mahusay na Pelikula na may pamagat na “Heneral Rizal”. Masasabi ko na ang bawat linyang binibitawan ay tagos mula sa puso at kaluluwa lalo’t pa nagiging paulit-ulit na nga lang ba ang mga mangyayari sa atin.
Gaya ng sabi ko tagos sa puso ang bawat linya sa Heneral Rizal kaya gumawa ako ng 10 Quotable Quote mula sa pelikulang ito na talaga naman hanggang sa inyo pagtanda ay maaalala mo ito.
Gusto mo ba panoorin ang Heneral Rizal pumunta lamang sa opisyal na YouTube Channel Ng Tanghalang Pilipino.